Iyon ay dahil na si Allāh ay ang Katotohanan, na Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, na Siya sa bawat ay May-kakayahan, Al-Ḥajj 22:6 ⧉
Tafsīr:
Ang binanggit Naming iyon para sa inyo – na pagsisimula sa paglikha sa inyo, mga antas nito, at mga kalagayan ng sinumang ipinanganganak sa inyo – ay upang sumampalataya kayo na si Allāh na lumikha sa inyo ay ang Katotohanan na walang pagdududa hinggil dito, bilang kasalungatan naman sa sinasamba ninyo na mga anito ninyo, at upang sumampalataya kayo na Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman,