Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 71 sa 78 • Tagalog


وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَمَا لَيْسَ لَهُمْ بِهِ عِلْمٌ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ نَصِيرٍ 71
Pagsasalin:
Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi Siya nagbababa hinggil doon ng isang katunayan at na walang ukol sa kanila hinggil doon na isang kaalaman. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adya. Al-Ḥajj 22:71
Tafsīr:
Sumasamba ang mga tagapagtambal sa bukod pa kay Allāh, na mga anitong hindi nagbaba si Allāh ng isang katwiran sa pagsamba sa mga iyon sa mga kasulatan Niya at walang ukol sa kanila sa mga iyon na isang patunay mula sa isang kaalaman. Ang batayan nila lamang ay ang bulag na paggaya-gaya sa mga ninuno nila. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adyang magsasanggalang sa kanila laban sa anumang dadapo sa kanila na pagdurusang dulot ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 70 Susunod Al-Ḥajj • Talata 72