Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali. Al-Ḥajj 22:70 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka ba nakaaalam, O Sugo, na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Tunay na ang kaalaman doon ay nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan. Tunay na ang kaalaman doon sa kabuuan niyon ay madali kay Allāh.