Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 74 sa 78 • Tagalog


مَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ 74
Pagsasalin:
Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan. Al-Ḥajj 22:74
Tafsīr:
Hindi sila dumakila kay Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang sumamba sila kasama sa Kanya sa ilan sa mga nilikha Niya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas – at bahagi ng lakas Niya at kakayahan Niya ang paglikha sa mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito – Makapangyarihan: walang nakikipagdaigan sa Kanya ni isa man, bilang kasalungatan sa mga anito ng mga tagapagtambal sapagkat ang mga ito ay mahinang hamak na hindi nakalilikha ng anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 73 Susunod Al-Ḥajj • Talata 75