O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo, sumamba kayo sa Panginoon ninyo, at gumawa kayo ng kabutihan nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. Al-Ḥajj 22:77 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, yumukod kayo at magpatirapa kayo sa pagdarasal ninyo kay Allāh lamang, at gumawa kayo ng kabutihan gaya ng pagkakawanggawa, pakikipag-ugnayan sa kaanak, at iba pa roon sa pag-asa na magtamo kayo ng hinihiling at maligtas kayo sa pinangingilabutan.