Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 78 sa 78 • Tagalog


وَجَاهِدُوا فِي اللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِ ۚ هُوَ اجْتَبَاكُمْ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِي الدِّينِ مِنْ حَرَجٍ ۚ مِلَّةَ أَبِيكُمْ إِبْرَاهِيمَ ۚ هُوَ سَمَّاكُمُ الْمُسْلِمِينَ مِنْ قَبْلُ وَفِي هَٰذَا لِيَكُونَ الرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيْكُمْ وَتَكُونُوا شُهَدَاءَ عَلَى النَّاسِ ۚ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَاعْتَصِمُوا بِاللَّهِ هُوَ مَوْلَاكُمْ ۖ فَنِعْمَ الْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ النَّصِيرُ 78
Pagsasalin:
Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at mangunyapit kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya! Al-Ḥajj 22:78
Tafsīr:
Makibaka kayo sa landas ni Allāh nang pakikibakang wagas na ukol sa [ikalulugod ng] mukha Niya. Siya ay pumili sa inyo at gumawa sa relihiyon ninyo bilang maluwag: walang kasikipan dito ni katindihan. Ang maluwag na kapaniwalaang ito ay ang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagpangalan nga sa inyo si Allāh bilang mga Muslim sa mga kasulatang nauna at sa Qur’an upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo na siya ay nagpaabot sa inyo ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot at upang kayo ay maging mga saksi sa mga kalipunang nauna na ang mga sugo nila ay nagpaabot niyon. Kaya magpasalamat kayo kay Allāh dahil doon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dasal sa pinakalubos na paraan. Magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo. Dumulog kayo kay Allāh at sumandig kayo sa Kanya sa mga nauukol sa inyo sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay kay inam bilang Pinagpapatangkilikan para sa sinumang nagpatangkilik sa Kanya kabilang sa mga mananampalataya at kay inam bilang Mapag-adya para sa sinumang nagpaadya sa Kanya kabilang sa kanila. Kaya magpatangkilik kayo sa Kanya, tatangkilik Siya sa inyo; at magpaadya kayo sa Kanya, mag-aadya Siya sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 77 Susunod Al-Mu’minūn • Talata 1