Ang sinumang nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patotoo para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya. Al-Mu’minūn 23:117 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa, nang walang katwiran para sa kanya sa pagiging karapat-dapat nito sa pagsamba (ito ay nauukol sa bawat sinasambang iba pa kay Allāh), ang ganti sa gawa niyang masagwa ay nasa ganang Panginoon niya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat si Allāh ay ang gaganti sa kanya sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanya. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa pagtamo ng hinihiling nila, ni sa pagkaligtas sa pinangingilabutan nila.