Sabihin mo: “Panginoon ko, magpatawad Ka at maawa Ka yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa.” Al-Mu’minūn 23:118 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko at maawa Ka sa akin sa pamamagitan ng awa Mo yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa sinumang naawa sa isang may pagkakasala sapagkat tumatanggap ka ng pagbabalik-loob niya."