Kahit pa naawa Kami sa kanila at nag-alis Kami ng taglay nilang kapinsalaan [ng tagtuyot at gutom] ay talagang nagmatigas sila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila. Al-Mu’minūn 23:75 ⧉
Tafsīr:
Kahit pa naawa Kami sa kanila at pumawi Kami sa kanila ng dinaranas nilang tagtuyot at pagkagutom ay talagang magpapatuloy sila sa pagkaligaw nila palayo sa katotohanan, na nag-aatubili at nangangapa.