Talaga ngang nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa ngunit hindi sila nangayupapa sa Panginoon nila at hindi sila nagsusumamo; Al-Mu’minūn 23:76 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang sumulit Kami sa kanila sa pamamagitan ng mga uri ng mga kapahamakan ngunit hindi sila nagpakaaba sa Panginoon nila, hindi sila nagpasakop sa Kanya, at hindi sila dumalangin sa Kanya habang mga nagpapakumbaba upang pawiin Niya sa kanila ang mga kapahamakan sa sandali ng pagbaba ng mga ito.