Nagsabi sila: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin?” Al-Mu’minūn 23:82 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sila nang may pagtuturing ng kaimposiblehan at pagkakaila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong durog, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay para sa pagtutuos?"