Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at ang mga magulang namin nito bago pa niyan. Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna. Al-Mu’minūn 23:83 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang pinangakuan Kami ng pangakong ito – ang pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan – at pinangakuan ang mga ninuno namin bago pa niyan nang gayon at hindi namin nakita ang pangakong iyon na nagkakatotoo. Walang iba ito kundi mga kabulaanan ng mga nauna at mga kasinungalingan nila.