Bakit nga ba hindi, noong nakarinig kayo nito, nag-isip ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ng maganda sa mga sarili nila at nagsabing ito ay isang kabulaanang malinaw? An-Nūr 24:12 ⧉
Tafsīr:
Bakit nga kaya, noong narinig ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ang mabigat na kabulaanang ito, hindi sila nag-isip ng kalinisan ng pinaratangan niyon kabilang sa mga kapatid nilang mga mananampalataya at nagsabing ito ay isang kasinungalingang maliwanag?