Bakit nga ba hindi sila naghatid para rito ng apat na saksi? Kaya kung hindi sila naglahad ng mga saksi, ang mga iyon, sa ganang kay Allāh, ay ang mga sinungaling. An-Nūr 24:13 ⧉
Tafsīr:
Bakit nga ba ang mga gumawa-gawa sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya – ay hindi naglahad para sa paratang nilang mabigat ng apat na saksing sasaksi sa katumpakan ng iniugnay nila sa kanya? Kaya kung hindi sila naglahad ng apat na saksi para roon – at hindi sila maglalahad ng mga [saksing] ito magpakailanman – sila ay mga sinungaling ayon sa kahatulan ni Allāh.