Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa Mundo at Kabilang-buhay ay talaga sanang may sumaling sa inyo, dahil sa pinagtatalakay ninyo, na isang pagdurusang mabigat An-Nūr 24:14 ⧉
Tafsīr:
Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, at awa Niya sa inyo yayamang hindi Siya nagmadali sa inyo sa kaparusahan at tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa inyo, talaga sanang tinamaan kayo ng isang pagdurusang mabigat dahilan sa tinalakay ninyo na kasinungalingan at pagpaparatang sa Ina ng mga Mananampalataya.