noong tumatanggap kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo, nagsasabi kayo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo ng wala kayong kaalaman hinggil doon, at nag-aakala kayong iyon ay magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat. An-Nūr 24:15 ⧉
Tafsīr:
Noong nagsasalaysay niyon ang ilan sa inyo buhat sa iba pa at nagpapalipat-lipat kayo niyon sa pamamagitan ng mga bibig ninyo sa kabila ng kabulaanan niyon sapagkat wala naman kayong kaalaman hinggil doon, at nagpapalagay kayo na iyon ay madali at magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat dahil sa taglay niyon na kasinungalingan at pagpaparatang sa isang inosente.