Bakit nga ba hindi, noong narinig ninyo ito, kayo nagsabi: “Hindi nagiging ukol sa amin na magsalita kami nito. Kaluwalhatian sa Iyo! Ito ay isang paninirang-puring mabigat.” An-Nūr 24:16 ⧉
Tafsīr:
Bakit nga kaya, noong narinig ninyo ang kabulaanang ito, hindi kayo nagsabi: "Hindi naaangkop para sa amin na magsalita kami hinggil sa bagay na karumal-dumal na ito, bilang pagpapawalang-kapintasan sa Iyo, Panginoon namin. Itong ipinaratang nila sa Ina ng mga Mananampalataya ay isang kasinungalingang mabigat."