Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 34 sa 64 • Tagalog


وَلَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ 34
Pagsasalin:
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng mga tandang naglilinaw, isang paghahalintulad mula sa mga nagdaan bago pa ninyo, at isang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala. An-Nūr 24:34
Tafsīr:
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo, O mga tao, ng mga tandang maliwanag na nagpapahiwalay sa katotohanan mula sa kabulaanan, nagpababa Kami sa inyo ng isang paghahalintulad mula sa mga lumipas bago pa ninyo kabilang sa mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya, at nagpababa Kami sa inyo ng pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga nangingilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 33 Susunod An-Nūr • Talata 35