Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 35 sa 64 • Tagalog


اللَّهُ نُورُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ مَثَلُ نُورِهِ كَمِشْكَاةٍ فِيهَا مِصْبَاحٌ ۖ الْمِصْبَاحُ فِي زُجَاجَةٍ ۖ الزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّيٌّ يُوقَدُ مِنْ شَجَرَةٍ مُبَارَكَةٍ زَيْتُونَةٍ لَا شَرْقِيَّةٍ وَلَا غَرْبِيَّةٍ يَكَادُ زَيْتُهَا يُضِيءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌ ۚ نُورٌ عَلَىٰ نُورٍ ۗ يَهْدِي اللَّهُ لِنُورِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 35
Pagsasalin:
Si Allāh ay ang liwanag ng mga langit at lupa. Ang paghahalintulad sa liwanag Niya ay gaya ng isang suksukan na sa loob nito ay may isang ilawan. Ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin. Ang salamin ay para bang ito ay isang tala na malaperlas na pinagniningas mula sa isang pinagpalang punong-kahoy na oliba na hindi isang silanganin at hindi isang kanluranin, na halos ang langis nito ay nagtatanglaw kahit pa man hindi ito nasaling ng isang apoy. Isang liwanag sa ibabaw ng isang liwanag, nagpapatnubay si Allāh tungo sa liwanag Niya sa sinumang niloloob Niya. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. An-Nūr 24:35
Tafsīr:
Si Allāh ay ang liwanag ng mga langit at lupa at ang tagapagpatnubay ng sinumang nasa mga ito. Ang paghahalintulad sa liwanag Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa puso ng mananampalataya ay gaya ng isang hindi tumatagos na butas sa isang dingding, na sa loob nito ay may isang ilawan. Ang ilawan ay nasa loob ng isang salaming nagliliyab. Para bang ito ay isang tala na tumatanglaw gaya ng perlas. Pinagniningas ang ilawan mula sa langis ng isang pinagpalang punong-kahoy, ang punong-kahoy ng oliba. Ang punong-kahoy ay hindi natatakpan sa araw ng anuman: hindi sa umaga at hindi sa gabi. Halos ang langis nito, dahil sa kadalisayan nito, ay nagtatanglaw kahit pa man hindi ito nasaling ng apoy. Kaya papaano na kapag nasaling ito niyon? Ang liwanag ng ilawan ay sa ibabaw ng liwanag ng salamin. Ganito ang puso ng mananampalataya kapag sumikat dito ang liwanag ng kapatnubayan. Si Allāh ay nagtutuon para sa pagsunod sa Qur'ān sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Naglilinaw si Allāh ng mga bagay sa pamamagitan ng mga kawangis ng mga ito, sa pamamagitan ng paglalahad ng mga paghahalintulad. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 34 Susunod An-Nūr • Talata 36