Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 40 sa 64 • Tagalog


أَوْ كَظُلُمَاتٍ فِي بَحْرٍ لُجِّيٍّ يَغْشَاهُ مَوْجٌ مِنْ فَوْقِهِ مَوْجٌ مِنْ فَوْقِهِ سَحَابٌ ۚ ظُلُمَاتٌ بَعْضُهَا فَوْقَ بَعْضٍ إِذَا أَخْرَجَ يَدَهُ لَمْ يَكَدْ يَرَاهَا ۗ وَمَنْ لَمْ يَجْعَلِ اللَّهُ لَهُ نُورًا فَمَا لَهُ مِنْ نُورٍ 40
Pagsasalin:
O [ang mga gawa nila] gaya ng mga kadiliman sa isang dagat na pagkalalim-lalim na binabalot ng mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap. Mga kadilimang ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba. Kapag naglabas siya ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito. Ang sinumang hindi gumawa si Allāh para sa kanya ng isang liwanag ay walang ukol sa kanya na anumang liwanag. An-Nūr 24:40
Tafsīr:
O ang mga gawa nila ay tulad ng mga kadiliman sa isang dagat na malalim na may pumapaibabaw dito na mga alon, na mula sa ibabaw ng mga alon na iyon ay may mga iba pang alon, na sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap na nagtatakip sa ipinapampatnubay na mga bituin. Mga kadilimang nagkapatung-patong, na ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba, kapag naglabas ang sinumang nasadlak sa mga kadilimang ito ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito dahil sa tindi ng kadiliman. Gayon din ang tagatangging sumampalataya sapagkat nagkapatung-patong sa kanya ang mga kadiliman ng kamangmangan, pagdududa, pagkalito, at pagkapinid sa puso niya. Ang sinumang hindi tinustusan ni Allāh ng patnubay laban sa kaligawan at ng kaalaman sa Aklat Niya, walang ukol sa kanya na patnubay na ipampapatnubay niya at walang aklat na ipanliliwanag niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 39 Susunod An-Nūr • Talata 41