Hindi ka ba nakakita na kay Allāh nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit at lupa at ang mga ibon habang mga nagbubuka [ng mga pakpak]? Bawat [isa] ay nakaalam nga Siya sa pagdarasal nito at pagluluwalhati nito. Si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila. An-Nūr 24:41 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na kay Allāh nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit, sa Kanya nagluluwalhati ang sinumang nasa lupa na mga nilikha Niya, at sa Kanya nagluluwalhati ang mga ibon habang nakabuka ang mga pakpak ng mga ito sa himpapawid? Bawat [isa] sa mga nilikhang iyon ay nakaalam si Allāh sa pagdarasal ng sinumang nagdarasal kabilang sa mga iyon gaya ng tao at ng pagluluwalhati ng sinumang nagluluwalhati kabilang sa mga iyon gaya ng mga ibon. Si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman.