Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya, natatakot kay Allāh, at nangingilag magkasala sa Kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo. An-Nūr 24:52 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang tumatalima kay Allāh, tumatalima sa Sugo Niya, sumusuko sa kahatulan nilang dalawa, nangangamba sa anumang idudulot sa kanya ng mga pagsuway, at nangingilag sa pagdurusang dulot ni Allāh, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya, ang mga iyon lamang ay ang mga magtatamo ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay.