Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 53 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 53 sa 64 • Tagalog


وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ ۖ قُلْ لَا تُقْسِمُوا ۖ طَاعَةٌ مَعْرُوفَةٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 53
Pagsasalin:
Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lilisan nga sila [para makibaka]. Sabihin mo: “Huwag kayong sumumpa. Isang pagtalimang kilala [na huwad ang nasa inyo].” Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. An-Nūr 24:53
Tafsīr:
Nanumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh nang pinakasukdulan sa mga panunumpa nilang mariin na nakakakaya nilang panumpaan na talagang kung nag-utos ka sa kanila ng paglisan tungo sa pakikibaka ay talagang lilisan nga sila. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Huwag kayong manumpa sapagkat ang kasinungalingan ninyo ay kilala at ang pagtalima ninyong inaangkin ay kilala." Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo gaano man kayo magkubli ng mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 52 Susunod An-Nūr • Talata 54