Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 54 sa 64 • Tagalog


قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُمْ مَا حُمِّلْتُمْ ۖ وَإِنْ تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا ۚ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ 54
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo; ngunit kung tatalikod kayo, tanging kailangan sa kanya ang ipinapasan sa kanya at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo. Kung tatalima kayo sa kanya ay mapapatnubayan kayo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].” An-Nūr 24:54
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo nang lantaran at paloob; ngunit kung tatalikod kayo sa ipinag-utos sa inyo na pagtalima sa kanilang dalawa, tanging kailangan sa kanya ang iniatang sa kanya na pagpapaabot at kailangan sa inyo naman ang iniatang sa inyo na pagtalima at paggawa ayon sa inihatid niya. Kung tatalima kayo sa kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos niya sa inyo na gawin sa pamamagitan ng pagpipigil sa [paggawa ng] sinaway niya sa inyo ay mapapatnubayan kayo sa katotohanan. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag sapagkat hindi kailangan sa kanya ang pasanin kayo sa kapatnubayan at ang pilitin kayo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 53 Susunod An-Nūr • Talata 55