Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 55 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 55 sa 64 • Tagalog


وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَيَسْتَخْلِفَنَّهُمْ فِي الْأَرْضِ كَمَا اسْتَخْلَفَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمْ دِينَهُمُ الَّذِي ارْتَضَىٰ لَهُمْ وَلَيُبَدِّلَنَّهُمْ مِنْ بَعْدِ خَوْفِهِمْ أَمْنًا ۚ يَعْبُدُونَنِي لَا يُشْرِكُونَ بِي شَيْئًا ۚ وَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ 55
Pagsasalin:
Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga bago pa nila bilang kahalili, talagang magbibigay-kapangyarihan nga Siya para sa kanila sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, matapos na ng pangamba nila, ng isang katiwasayan. Sumasamba sila sa akin habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail. An-Nūr 24:55
Tafsīr:
Nangako si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya kabilang sa inyo at gumawa ng mga gawang matuwid na mag-aadya Siya sa kanila laban sa mga kaaway nila, gagawa Siya sa kanila bilang mga kahalili sa lupain tulad ng ginawa Niya sa bago pa nila na mga mananampalataya bilang mga kahalili rito. Nangako Siya sa kanila na gagawa Siya sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila – ang Relihiyong Islām – na maging matatag at makapangyarihan. Nangako Siya sa kanila na magpapalit Siya sa kanila, noong matapos ng pangamba nila, ng katiwasayan. [Sinabi pa Niya]: "Sumasamba sila sa Akin lamang habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman." Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng mga pagpapalang iyon, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 54 Susunod An-Nūr • Talata 56