Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi naging nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo ng anumang mga katangkilik, subalit nagpatamasa Ka [sa Mundo] sa kanila at sa mga magulang nila hanggang sa nakalimot sila sa paalaala. Sila noon ay mga taong napariwara.” Al-Furqān 25:18 ⧉
Tafsīr:
Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo saka hindi kayo makakakaya ng isang paglilihis ni isang pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.