Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 20 sa 77 • Tagalog


وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا إِنَّهُمْ لَيَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَيَمْشُونَ فِي الْأَسْوَاقِ ۗ وَجَعَلْنَا بَعْضَكُمْ لِبَعْضٍ فِتْنَةً أَتَصْبِرُونَ ۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرًا 20
Pagsasalin:
Hindi Kami nagsugo bago mo ng mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Gumawa Kami sa ilan sa inyo para sa iba pa bilang pagsubok. Makatitiis ba kayo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita. Al-Furqān 25:20
Tafsīr:
Hindi Kami nagpadala sa bago sa iyo, o Sugo, na mga isinugo malibang bilang mga tao, na sila noon ay kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Ikaw ay hindi isang pasimula sa mga sugo kaugnay roon. Gumawa Kami sa ilan sa inyo, O mga tao, para sa iba bilang pagsusulit sa pagkayaman at karalitaan, at sa kalusugan at karamdaman dahilan sa pagkakaiba-ibang ito. Makatitiis ba kayo sa isinubok sa inyo para gumantimpala si Allāh sa pagtitiis ninyo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita sa sinumang nagtitiis at sinumang hindi nagtitiis, at sa sinumang tumatalima sa Kanya at sinumang sumusuway sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 19 Susunod Al-Furqān • Talata 21