Nagsabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Bakit kasi hindi pinababa sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakasutil sila sa isang pagpapakasutil na malaki. Al-Furqān 25:21 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na hindi umaasa-asa ng pakikipagkita sa Amin at hindi natatakot sa pagdurusang dulot Namin: "Bakit kasi hindi nagpababa si Allāh sa amin ng mga anghel para magpabatid sa amin tungkol sa katapatan ni Muḥammad o makasaksi kami sa Panginoon namin sa mata para magpabatid Siya sa amin niyon?" Talaga ngang bumigat ang pagmamalaki sa mga sarili ng mga ito hanggang sa pumigil ito sa kanila sa pananampalataya at lumampas sila dahil sa sabi nila sa hangganang ito sa kawalang-pananampalataya at pagpapakalabis.