Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 22 sa 77 • Tagalog


يَوْمَ يَرَوْنَ الْمَلَائِكَةَ لَا بُشْرَىٰ يَوْمَئِذٍ لِلْمُجْرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجْرًا مَحْجُورًا 22
Pagsasalin:
Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: “[Ang balitang nakagagalak ay naging] isang hadlang na hinadlangan!” Al-Furqān 25:22
Tafsīr:
Sa Araw na mapagmamasdan ng mga tagatangging sumampalataya ang mga anghel sa sandali ng kamatayan nila, sa Barzakh, sa sandali ng pagbuhay sa kanila, kapag inihatid sila para sa pagtutuos, at kapag papasok sila sa Apoy ay walang balitang nakagagalak para sa kanila sa mga kalagayang iyon, na salungat sa mga mananampalataya, at magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Bawal, ipinagbabawal sa inyo ang nakalulugod na balita mula kay Allāh!"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 21 Susunod Al-Furqān • Talata 23