Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katunayang malinaw.” An-Naml 27:21 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagsabi siya noong luminaw sa kanya ang pagliban niyon: "Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya bilang parusa sa kanya sa pagliban niya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katwirang maliwanag na maglilinaw sa pagdadahilan niya sa pagliban."