Kaya namalagi ito nang hindi malayo saka nagsabi ito: “Nakapaligid ako sa hindi ka nakapaligid at naghatid ako sa iyo mula sa Sheba ng isang balitang tiyak. An-Naml 27:22 ⧉
Tafsīr:
Kaya namalagi ang abubilya sa pagkaliban nito sa panahong hindi matagal, saka noong dumating ito ay nagsabi ito kay Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Napag-alaman ko ang hindi mo napag-alaman, at naghatid ako sa iyo mula sa mga naninirahan sa Shebah ng isang balitang tapat, na walang duda roon.