[Banggitin] ang araw na iihip sa tambuli saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh, habang lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba. An-Naml 27:87 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na iihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang ibinukod ni Allāh laban sa panghihilakbot bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya, habang bawat [isa] sa mga nilikha ni Allāh ay pupunta sa Kanya sa araw na iyon bilang mga tumatalimang hamak.