Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 88 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 88 sa 93 • Tagalog


وَتَرَى الْجِبَالَ تَحْسَبُهَا جَامِدَةً وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ السَّحَابِ ۚ صُنْعَ اللَّهِ الَّذِي أَتْقَنَ كُلَّ شَيْءٍ ۚ إِنَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَفْعَلُونَ 88
Pagsasalin:
Makikita mo ang mga bundok, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakatigil samantalang ang mga ito ay dumaraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. An-Naml 27:88
Tafsīr:
Makikita mo ang mga bundok sa Araw na iyon, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakapirmi na hindi gumagalaw samantalang ang mga ito sa reyalidad ng kalagayan ay umuusad nang mabilis gaya ng pag-usad ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh sapagkat Siya ang nagpapagalaw sa mga ito. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 87 Susunod An-Naml • Talata 89