Bahagi ng awa Niya, gumawa Siya para inyo ng gabi at maghapon upang mamahinga kayo roon at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. Al-Qaṣaṣ 28:73 ⧉
Tafsīr:
Bahagi ng awa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na gumawa Siya para inyo, O mga tao, ng gabi bilang tagapagpadilim upang mamahinga kayo roon matapos na naghirap kayo sa isang gawain sa maghapon at gumawa Siya para sa inyo ng maghapon bilang tagapagtanglaw upang magsikap kayo sa paghahanap ng panustos doon, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo at hindi tatangging magpasalamat sa mga ito.