Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 41 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 41 sa 69 • Tagalog


مَثَلُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنْكَبُوتِ اتَّخَذَتْ بَيْتًا ۖ وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنْكَبُوتِ ۖ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ 41
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa mga gumawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay. Tunay na ang pinakamarupok sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba, kung sakaling sila ay naging nakaaalam. Al-‘Ankabūt 29:41
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa mga tagapagtambal na gumawa ng mga diyus-diyusang sinasamba nila bukod pa kay Allāh dala ng pag-asa sa pagpapakinabang ng mga ito o pamamagitan ng mga ito ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay na magsasanggalang dito laban sa pangangaway rito. Tunay na ang pinakamahina sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba sapagkat ito ay hindi nakapagtatanggol sa gagamba sa isang kaaway. Gayon din ang mga diyus-diyusan nila: hindi nakapagpapakinabang ang mga ito, hindi nakapipinsala ang mga ito, at hindi nakapamamagitan ang mga ito. Kung sakaling ang mga tagapagtambal ay naging nakaaalam niyon, talaga sanang hindi sila gumawa ng mga diyus-diyusan na sinasamba nila bukod pa kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 40 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 42