Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya na anuman. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. Al-‘Ankabūt 29:42 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nakaaalam sa sinasamba nila bukod pa sa Kanya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napapanaigan, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.