Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao. Walang nakapag-uunawa sa mga ito kundi ang mga nakaaalam. Al-‘Ankabūt 29:43 ⧉
Tafsīr:
Ang mga paghahalintulad na ito na inilalahad Namin para sa mga tao ay upang pumukaw ang mga ito sa kanila, magpakita ang mga ito sa kanila ng katotohanan, at magpatnubay ang mga ito sa kanila tungo roon. Walang nakatatalos sa mga ito ayon sa paraang hinihiling kundi ang mga nakaaalam sa Batas ni Allāh at sa mga kasanhian nito.