O mga sumampalataya, kung tatalima kayo sa isang pangkat kabilang sa mga binigyan ng kasulatan ay magsasauli sila sa inyo, matapos ng pagsampalataya ninyo, sa pagiging mga tagatangging sumampalataya. Āl ‘Imrān 3:100 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kung tatalima kayo sa isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa sinasabi nila at tatanggap naman kayo sa pananaw nila kaugnay sa inaangkin nila, magpapabalik sila sa inyo sa kawalang-pananampalataya matapos ng pananampalataya dahilan sa taglay nilang inggit at pagkaligaw palayo sa patnubay.