Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 101 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 101 sa 200 • Tagalog


وَكَيْفَ تَكْفُرُونَ وَأَنْتُمْ تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ آيَاتُ اللَّهِ وَفِيكُمْ رَسُولُهُ ۗ وَمَنْ يَعْتَصِمْ بِاللَّهِ فَقَدْ هُدِيَ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 101
Pagsasalin:
Papaano kayong tumatangging sumampalataya samantalang kayo ay binibigkasan ng mga tanda ni Allāh at nasa inyo ang Sugo Niya? Ang sinumang nangungunyapit kay Allāh ay napatnubayan nga sa isang landasing tuwid. Āl ‘Imrān 3:101
Tafsīr:
Papaano kayong tumatangging sumampalataya kaya Allāh matapos ng pagsampalataya ninyo sa Kanya samantalang kasama ninyo ang kadahilanang pinakasukdulan para sa katatagan sa pananampalataya sapagkat ang mga tanda ni Allāh ay binibigkas sa inyo at ang Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ay naglilinaw sa mga ito para sa inyo? Ang sinumang kumakapit sa Aklat ni Allāh at sa Sunnah ng Sugo Niya ay nagtuon nga si Allāh sa kanya tungo sa daang tuwid na walang kabaluktutan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 100 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 102