Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin. Āl ‘Imrān 3:109 ⧉
Tafsīr:
Sa kay Allāh lamang – pagkataas-taas Siya – ang paghahari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, sa paglikha at pag-uutos. Tungo sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ang hantungan ng usapin ng bawat nilikha Niya para gumanti Siya sa bawat isa mula sa kanila ayon sa sukat ng pagiging karapat-dapat nito.