Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 36 sa 200 • Tagalog


فَلَمَّا وَضَعَتْهَا قَالَتْ رَبِّ إِنِّي وَضَعْتُهَا أُنْثَىٰ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا وَضَعَتْ وَلَيْسَ الذَّكَرُ كَالْأُنْثَىٰ ۖ وَإِنِّي سَمَّيْتُهَا مَرْيَمَ وَإِنِّي أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ 36
Pagsasalin:
Ngunit noong nagsilang siya ito ay nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay nagsilang sa kanya na isang babae,” – samantalang si Allāh ay higit na maalam sa isinilang niya at ang lalaki ay hindi gaya ng babae – “tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay naglalagay sa kanya at mga supling niya sa pagkukupkop Mo laban sa demonyong kasumpa-sumpa.” Āl ‘Imrān 3:36
Tafsīr:
Ngunit noong natapos ang pagbubuntis niya, nagsilang siya ng nasa tiyan niya at nagsabi siya habang humihingi ng paumanhin – yayamang naghahangad siya na ang ipinagbubuntis ay maging lalaki sana: "O Panginoon ko, tunay na ako ay nanganak sa kanya na isang babae," – samantalang si Allāh ay higit na maalam sa ipinanganak niya at ang lalaking hinahangad niya ay hindi gaya ng babaing ipinagkaloob sa kanya sa lakas at pagkakalikha – "tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay nagpapakanlong sa kanya sa Iyo – siya at ang mga magiging supling niya – laban sa demonyong itinaboy mula sa awa Mo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 35 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 37