Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 37 sa 200 • Tagalog


فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٍ وَأَنْبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنًا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّا ۖ كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيْهَا زَكَرِيَّا الْمِحْرَابَ وَجَدَ عِنْدَهَا رِزْقًا ۖ قَالَ يَا مَرْيَمُ أَنَّىٰ لَكِ هَٰذَا ۖ قَالَتْ هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۖ إِنَّ اللَّهَ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ 37
Pagsasalin:
Kaya tinanggap ito ng Panginoon nito sa isang pagtanggap na maganda, hinubog Niya ito sa isang paghubog na maganda, at ipinaaruga Niya ito kay Zacarias. Sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan nito si Zacarias sa sambahan, nakatatagpo siya sa piling nito ng isang panustos. Nagsabi Siya: “O Maria, paanong mayroon ka nito?” Nagsabi ito: “Ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos.” Āl ‘Imrān 3:37
Tafsīr:
Kaya tinanggap ni Allāh ang panata niyon sa isang pagtanggap na maganda at pinalaki Niya sa Maria sa isang pagpapalaking maganda. Nahalina rito ang mga puso ng mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya. Itinalaga Niya ang pag-aaruga rito kay Zacarias – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Si Zacarias noon, sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan ni Maria sa lugar ng pagsamba, ay nakatatagpo sa piling nito ng isang panustos na kaaya-ayang ipinagkakaloob kaya nagsabi siya habang kumakausap dito: "O Maria, mula saan nagkaroon ka ng panustos na ito?" Nagsabi ito habang sumasagot sa kanya: "Ang panustos na ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya ng panustos na masagana nang walang pagtutuos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 36 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 38