O mga May Kasulatan, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga talata ni Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi [sa katotohanan]. Āl ‘Imrān 3:70 ⧉
Tafsīr:
O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa inyo at sa nasaad sa mga ito na pahiwatig sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang kayo ay sumasaksi na ito ay ang katotohanan na ipinahiwatig ng mga kasulatan ninyo?