O mga May Kasulatan, bakit kayo naglalahok sa katotohanan ng kabulaanan at nagtatago kayo ng katotohanan samantalang kayo ay nakaaalam? Āl ‘Imrān 3:71 ⧉
Tafsīr:
O mga May Kasulatan, bakit kayo naghahalo sa katotohanan, na pinababa sa mga aklat ninyo, ng kabulaanan mula sa ganang inyo at nagkukubli kayo ng nasaad sa mga ito na katotohanan at patnubay na bahagi nito ang pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang kayo ay nakaaalam ng katotohanan sa kabulaanan at ng patnubay sa pagkaligaw?