Pagkatapos naging kinahinatnan ng mga gumawa ng masagwa ang pinakamasagwa dahil nagpasinungaling sila sa mga tanda ni Allāh at dati sila sa mga ito ay nangungutya. Ar-Rūm 30:10 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos naging wakas ng mga sumagwa ang mga gawain nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga masagwa ang wakas na malubha sa kasagwaan dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at nangungutya dati sa mga ito at nanunuya sa mga ito.