Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas. Nagbungkal sila ng lupa at luminang sila nito nang higit kaysa sa nilinang nila. Nagdala sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay sapagkat si Allāh ay hindi naging ukol lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan. Ar-Rūm 30:9 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba humayo ang mga ito sa lupain upang magnilay-nilay kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling noong bago pa nila? Dati ang mga kalipunang iyan ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas. Binago ng mga iyon ang lupa para sa pagsasaka at paglinang. Nilinang ito ng mga iyon nang higit kaysa sa paglinang nila nito. Naghatid sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon ng mga patotoo at mga katwirang maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ngunit nagpasinungaling ang mga iyon kaya hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa mga iyon nang nagpahamak Siya sa mga iyon subalit ang mga iyon dati sa mga sarili ng mga iyon ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon.