Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Ito ay higit na madali sa Kanya. Sa Kanya ang paglalarawang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. Ar-Rūm 30:27 ⧉
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsisimula ng paglikha ayon sa walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos nagpapanumbalik nito matapos ng paglipol dito. Ang pagpapanumbalik ay higit na madali kaysa sa pagpapasimula. Kapwa ito madali sa Kanya dahil Siya, kapag nagnais ng anuman, ay nagsasabi rito ng: "Mangyari" saka nangyayari naman ito. Sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ang paglalarawang pinakamataas sa bawat ipinanlalarawan sa Kanya mula sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napananaigan, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.