Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 28 sa 60 • Tagalog


ضَرَبَ لَكُمْ مَثَلًا مِنْ أَنْفُسِكُمْ ۖ هَلْ لَكُمْ مِنْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ مِنْ شُرَكَاءَ فِي مَا رَزَقْنَاكُمْ فَأَنْتُمْ فِيهِ سَوَاءٌ تَخَافُونَهُمْ كَخِيفَتِكُمْ أَنْفُسَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ 28
Pagsasalin:
Naglahad Siya para sa inyo ng isang paghahalintulad mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa minamay-ari ng mga kanang kamay ninyo na anumang mga katambal sa anumang itinustos Namin sa inyo, kaya naman kayo roon ay magkapantay, na nangangamba kayo gaya ng pangangamba ninyo sa mga sarili ninyo? Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. Ar-Rūm 30:28
Tafsīr:
Naglahad si Allāh para sa inyo, O mga tagapagtambal, ng isang paghahalintulad na kinuha mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa mga alipin ninyo at mga minamay-ari ninyo na isang katambal na nakikitambal sa inyo sa mga ari-arian ninyo nang magkapantay, na nangangamba kayo na makihati sila sa mga ari-arian ninyo kasama sa inyo gaya ng pangangamba ng iba sa inyo sa katambal niyang malaya na makihati kasama sa kanya sa ari-arian? Malulugod kaya kayo sa ganito para sa mga sarili ninyo mula sa mga alipin ninyo? Walang duda na kayo ay hindi malulugod sa ganoon. Kaya si Allāh ay higit na marapat na hindi Siya magkaroon ng isang katambal sa paghahari Niya sa mga nilikha Niya at mga alipin Niya. Sa pamamagitan ng tulad niyon na paglalahad ng mga paghahalintulad at iba pa roon, naglilinaw Kami ng mga katwiran at mga patotoo sa pamamagitan ng pagsasari-sari sa mga ito para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang mga makikinabang doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 27 Susunod Ar-Rūm • Talata 29