Ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Ang sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili nila naghahanda [ng pagpasok sa Paraiso] Ar-Rūm 30:44 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya – ang pamamalagi sa Apoy – ay manunumbalik laban sa kanya. Ang sinumang gumawa ng gawang maayos habang naghahangad ng [kaluguran ng] mukha ni Allāh ay para sa [kapakanan ng] sarili niya. Maghahanda sila sa pagpasok sa Paraiso at pagtatamasa sa anumang naroon bilang mamamalagi roon magpakailanman.