upang gumanti Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya. Ar-Rūm 30:45 ⧉
Tafsīr:
upang gumanti si Allāh ng kabutihang-loob Niya at paggawa Niya ng maganda sa mga sumampalataya sa Kanya at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon nila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya, bagkus nasusuklam Siya sa kanila nang pinakamatinding pagkasuklam at magpaparusa Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon.